Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Traffic Enforcer na nasa talaan ng High Value Individual (HVI), at kumpiskado ang 21k halaga ng Illegal na Droga sa Buy-bust Operation ng Calamba PNP kahapon Marso 8, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang suspek na si alyas Vergel na residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba CPS nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy-bust operation kahapon Marso 8, 2023 sa ganap na 3:29 ng hapon sa may Isabel Subdivision, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may tinatayang timbang na aabot sa 3.2 na gramo at may katumbas na halagang humigit kumulang Php 21,760.00, at isang pirasong Php 500.00 bill buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Isa sa prioridad ng Laguna PNP ay ang sugpuin ang Illegal Drugs sa Lalawigan, at patuloy po ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga para hulihin lahat ng gumagamit at nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, lalong-lalo na sa mga nasa talaan ng High Value Individual”. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending