3 Katao kabilang ang provincial, municipal at regional Level MWP na nasa talaan ng ‘Wanted Person’ na may iba’t ibang kasong kriminal sa lalawigang ito ang nalambat ng pinagsanib na puwersa ng pulisya kahapon, Marso 13, 2023

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., bandang 6:00 ng hapon sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng Lemery MPS, RMFB 4A 403 Maneuver Coy, 2nd MP 2nd BPMFC, RIU 4A PIT Batangas, PIU Marpsta at RID nahuli nila ang kabilang sa Most Wanted Person (Regional Level) na si Christopher Umali y Panlilio, 37 taong gulang, laborer at residente ng Lemery, Batangas. Siya ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Lascivious Conduct at Rape na inilabas ng RTC Branch 5, Lemery, Batangas na may petsang Marso 2, 2023 at may inirekomendang piyansa na Php 180,000.00 bawat kaso para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Samantala, sa operation ng San Luis MPS at RIU4A PIT BATANGAS arestado rin ang Most Wanted Person (Provincial Level) na menor de edad na lalaki “alyas totoy” sa bisa ng Writ to take Custody for the crime of Rape na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 5, Lemery, Batangas noong Marso 2, 2023 at may piyansang aabot sa Php 400,000.00. Ang kanyang kaso ay nag-ugat noong Mayo 3, 2022 habang ang biktima ay naglalaro at kinaladkad ng suspek patungo sa bahay ng suspek at doon hinalay ang biktima. Napagalaman din na marami ng beses itong ginagawa ng suspek sa biktima simula pa noong Setyembre 2019. Sa ngayon siya ay kasalukuyan nasa pangangalaga ng MSWDO para sa tamang disposisyon

Sa kabilang banda, bandang 10:40 ng umaga sa kaparehas na araw kalaboso naman ng Tuy MPS ang Rank 7 Most Wanted Person (Municipal Level) na si Antonio Barrios y Villados, 64 taong gulang, may-asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing bayan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na inilabas ng RTC Branch 10 Balayan Batangas noong Nobyembre 5, 1993 at walang inirekomendang piyansa. Ang pagpatay ay nangyari noong April 26, 1993.

“Dahil sa mga impormasyon at tulong na binibigay ng ating mga kababayan ay mabilis na natutukoy ng ating mga kapulisan ang pinagtataguan ng mga Wanted Person dito sa Batangas maraming salamat po sa pakikipagtulungan at tiwala sa Batangas Pulis.” PCOL SOLIBA







Leave a comment

Trending