Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng Calamba PNP kahapon Marso 15, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na sina alyas Turko at alyas Este na parehong residente ng Calamba City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang mga operatiba ng buy-bust operation kahapon Marso 15, 2023 na nagresulta sa pagkaaresto ng mga nasabing suspek sa ganap na 8:22 ng gabi sa Sitio Kampay Purok 2, Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna, matapos na matagumpay na makabili ng hinihinalang ilegal na droga ang mga kapulisan na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Kumpiskado sa mga suspek ang limang (5) pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 7 gramo (shabu) tinatayang nagkakahalagang Php 47,600.00, isang (1) coin purse, isang (1) piraso Php 500.00 pesos ginamit na buy-bust money at iba pang suspected drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalalawigan ng Laguna.” #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending