Sa loob ng isang linggo ay umabot sa 239 katao ang naaresto ng mga tauhan ng Batangas Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., sa ikinasang anti-criminality operations sa probinsya mula Marso 10-16, 2023.

Batay sa ulat, ipinatupad ng mga operatiba ng Batangas PPO ang 55 Warrants of Arrest na nagresulta sa pagkakadakip ng 55 wanted persons na may iba’t ibang kaso. Kinabilangan ito ng 2 regional level, 4 na provincial level, 6 na city/municipal level at 43 na other wanted persons.


Umabot naman sa 85 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at nakuha sa mga drug personalities na ito ang nasa 73.7 gramo ng hinihinalang shabu at 190.9 gramo ng marijuana na may Dangerous Drug Board (DDB) value na P524,068.00.


Samantala, sa 59 na operasyon kontra iligal na sugal, nagresulta ito sa pagkakadakip ng 94 na indibidwal kung saan nasamsam sa mga ito ang nasa P21,465.00 na bet money. Mayroon ring 5 naaresto dahil sa iligal na pagmamay-ari ng baril at 103 naman ang sumailalim ng programang balik-armas ng kapulisan.


“Tuloy-tuloy po ang kapulisan ng Batangas sa pagsugpo sa kriminalidad. Pagtulung-tulungan po natin ang inaamsam nating kapayapaan at kaayusan ng ating komunidad.” – PCOL SOLIBA ###piobatangasppo###
#TeamPIO







Leave a comment

Trending