Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank No. 7 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong Rape sa Manhunt Operation ng Biñan Pulis kahapon Marso 18, 2023.
Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Wilfredo residente ng Binan City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL VIRGILIO M JOPIA, Hepe ng Biñan City Police Station nagkasa ang kanilang Warrant Operatives ng manhunt operation laban sa akusado ganap na 07:20 ng hapon Marso 18, 2023 sa Brgy. Sto. Tomas, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 152, Biñan City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Jaime E. Banatin, Presiding Judge na may petsang Marso 16, 2023 nahaharap ang akusado sa kasong Rape na may piyansang nirekomenda halagang Php 120, 000.00.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS agad namang iimpormahan ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagka aresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Ang mga operasyon po ng Laguna PNP laban sa mga wanted person o mga nagtatago sa batas ay mas paiigtingin para sa mabilisang pagkaaresto ng mga akusado upang panagutin sa mga ginawa nilang paglabag sa batas at sa lahat ay mabigyang hustisya ang kanilang mga nabiktima.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending