Ayon sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director, Batangas Police Provincial Office kay PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Regional Director, PRO CALABARZON, huli ang limang lalaking suspek sa pagnanakaw ng generator ng Globe Cell Site ng mga tauhan ng Agoncillo Municipal Police Station. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Wilfred Labapis y, 30 taong gulang, walang asawa, Robert Biñan y Nepomuceno, 54 taong gulang, may asawa, Albert Aquilino y Parungaw, 51 taong gulang, walang asawa, Edwardo Rosales y Inciso, 48 taong gulang, walang asawa at Rafael Gonzaga y Antonio, 46 taong gulang, walang asawa. Sila ay kapwa residente ng Tondo Manila.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis at sa salaysay ng nakasaksi, nangyari ang insidente dakong alas 4 ng madaling araw ng Marso 22, 2023, na kung saan nakita ng witness ang limang katao na ninanakawan ang nasabing establisyemento gamit ang boom truck at agad siyang tumungo sa himpilan ng pulisya para ireport ang pangyayari. Sa follow up operation na isinagawa ng Agoncillo MPS at sa pakikipag ugnayan nila sa Laurel MPS nadakip ang mga suspek bandang 4:50 ng umaga sa bahagi ng Brgy. Bugaan East, Laurel, Batangas.

Nakuha sa kanila ang 1 Fuso Canter Boom Truck, 1 Globe Generator, Heavy duty wrench pipe, Chain (Kadena) at Sledge Hammer (Maso). Sa kabuuan nagkakahalaga ng P300,000.00 ang mga gamit na ninakaw. Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung ang grupong ito ay may kinalaman din sa mga nangyayaring nakawan sa probinsiya. Sa ngayon ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Agoncillo MPS Custodial Facility habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsampa ng kaso sa korte.
“Umaapila kami sa mamamayan ng Batangas at sa mga naging biktima pa ng grupong ito, na ipagbigay-alam agad sa amin para sa agarang aksyon at imbestigasyon. Sa mga taong naka saksi sa anumang uri ng krimen, ay wag matakot na magsumbong sa mga otoridad”. –PCOL SOLIBA
#piobatangasppo
#TeamPIO







Leave a comment

Trending