Pinapurihan ni Vice Gov Agapay ang maraming naging bahagi ng tagumpay ng katatapos na exams na ito kahapon March 22, 2023 para sa mga 1,734 aspiring teachers ng Lalawigan ng Laguna.

Oktubre 2022 nang humiling si Laguna Vice Gov Atty Karen Agapay sa Professional Regulation Commission (PRC) na sa Laguna na ganapin ang Licensure Examinations for Teachers. Napakaraming preparasyon ang isinagawa bago pa lamang at hanggang sa matapos ang naturang exams.

Pinangunahan ito ni Regional Director Rey Cristobal at sa PRC Team na siyang may dala ng exam questions mula Lucena City papuntang Santa Cruz, at pabalik matapos ang exams.
Ang 230 proctors, PNP Personnel para sa security, BFP Personnel para sa Medical, at mga Supervisors, Supply Officers at iba pang mga staff mula sa Office of the Vice Governor na sumailalim muna ng Orientation at Seminar tungkol sa exams.

Gayundin sa LSPU Santa Cruz, na nasa ilalim ng pamumuno ni University President Dr Mario Briones, na naging katuwang ang LSPU ng Office of the Vice Governor para sa ginanap na exams.
“At sa lahat ng 1,734 examinees po natin, salamat sa pagsunod sa exam protocols natin. Congrats for a job well done! Wishing you all success! Maraming salamat po,” Pagtatapos at pasasalamat ng Bise Gobernador.







Leave a comment

Trending