1–2 minutes
Iniulat ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO kay CALABARZON Regional Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, ang pagkakaaresto sa labing-pito (17) na akusado sa loob ng isang (1) araw na “Warrant Day” operations ng Laguna PNP, kahapon March 23, 2023.

Kabilang sa mga naaresto ay isang (1) Most Wanted Person Regional Level na may kasong Statutory Rape, habang arestado din ang labing-anim (16) na other wanted persons.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units. Samantala ang mga korteng pinagmulan ng kanilang mga Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga nasabing akusado.

Ang ‘Warrant Day’ ng Laguna PNP ay isinasagawa tuwing huwebes at matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang Warrant Day po ng Laguna PNP ay isang patunay na sa ating pagsisikap na matupad ang ating pangako at tungkulin bilang mga lingkod-bayan, makakamit natin ang kapayapaan at hustisya na hinahanap ng mga taong naging biktima ng karahasan. At sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay pananagutan na nila sa batas ang kanilang mga nagawang paglabag dito.” #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A


1 SKY BeachCation






March 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending