1–2 minutes
Ang UPLB, sa pamamagitan ng Institute of Plant Breeding (IPB), ay nagbigay ng 5,000 seed packets sa Department of Agriculture (DA) ngayong araw, Marso 23. Sina DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban at High- Value Crops Development Program Director Glenn Panganiban ang tumanggap ng mga binhi na ipamahagi sa mga komunidad na apektado ng oil spill kamakailan sa MIMAROPA.

Bahagi ito ng pagtutulungan ng DA at IPB sa proyektong "Scaling-Out the Utilization of IPB-Developed Seeds for Selected Lowland Vegetables Toward Sustainable Seed System," na naglalayong magbigay ng alternatibong mapagkukunan ng pagkain at kita sa mga residenteng nasalanta ng kalamidad.

Nagsimula ang proyekto noong Setyembre 2022 at namahagi ng mahigit 100,000 seed packet sa mga rehiyon sa pamamagitan ng DA. Ang proyekto ay gumawa din ng impormasyon, edukasyon, at komunikasyon (IC) na materyales at nagbigay ng suporta sa pagsasanay upang palakasin ang mga teknikal na kapasidad ng mga nagtatanim ng binhi, asosasyon, at kooperatiba. Ang ikalawang yugto ay magsisimula sa Abril 2023.

Personal na ibinigay ni Chancellor Jose V. Camacho, Jr. ang mga seed packet sa mga opisyal ng DA sa IPB Seminar Room.

Sinabi ni Chancellor Camacho na within a week dapat nasa kamay na ng mga households na directly hit ng oil spill. Ang UPLB ay susuportahan ang mga kababayan natin na directang tinamaan ng oil spill.
SKY BeachCation






March 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending