1–2 minutes


Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng Santa Cruz kaninang madaling araw Marso 28, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Darren residente ng Santa Cruz, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ GABRIEL A UNAY, Hepe ng Santa Cruz MPS nagkasa ang mga operatiba ng buy-bust operation kaninang 4:45 ng umaga Marso 28, 2023 sa Sitio Bayside, Brgy. Gatid, Santa Cruz, Laguna na nag resulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Kumpiskado sa suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 29 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 200,000.00, isang (1) pouch na naglalaman ng Php 500.00, isang (1) unit Honda City color red na may Plate No. WSX973, narekober din sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act 9165 "Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002".

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan”. #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A
SKY BeachCation






March 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending