1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang High Value Individual (HVI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng San Pablo PNP kahapon Abril 1, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Dunhill residente ng San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JOEWIE B LUCAS, Hepe ng San Pablo CPS nagkasa ang operatiba ng San Pablo CPS ng buy-bust operation kahapon Abril 1, 2023 sa ganap na 4:03 ng hapon sa may Brgy San Jose, San Pablo City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na shabu na may timbang na 600 gramo na may halagang aabot sa Php 4,140,000.00, isang (1) unit ng Caliber. 38 at dalawang (2) piraso ng bala ng nasabing caliber, isang sling bag na naglalaman ng Php 600.00, at narekober sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic and ballistic examination at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at Republic Act 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A

SKY BeachCation






April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending