1–2 minutes

Apat na big time drug pusher ang dinakip ng pinagsanib pwersa ng Laguna provincial drug enforcement unit at ng Pila police station sa isinagawang buy bust operation dakong ika- 8.30 Martes ng gabi sa Kenyo hotel and Resort sa Barangay Labuin, Pila ,Laguna

Kinilala ni Police Major Abelardo Jarabejo lll, Pila police chief ang mga suspects na sina Delfrie Calica, 33 anyos, RJ Oliva, 27 taong gulang, isang alias Jared at Lawrence, pawang mga residente ng Barangay Duhat at Barangay Bubukal, Sta, Cruz, Laguna.

Ayon kay Major Jarabejo, si Calica ay dati ng nakulong sa Laguna provincial jail sa kahalintulad na kaso at isa sa malaking distributor ng shabu sa ika-apat na distrito ng Laguna. Samantala, ang tatlo pang suspcts ay pawang mga baguhan sa pagtutulak ng droga.

Nakumpiska sa mga suspects ang 95 gramo ng shabu na may street value na mahigit P600 thousand pesos, buy bust money at mga drug paraphernalia.

Nakuhanan pa ng dalawang kalibre ng baril na pawang walang kaukulang papeles.

Nasa kustodiya na ng Pila police custodial unit ang mga suspects at nahaharap sa paglabag sa kasong R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. #A.Cambe

SKY BeachCation






April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending