2–3 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Binuo ng Laguna PNP ang Special Investigation Team (SIT) na siyang tututok sa mga Shooting Incidents at mga Missing Person mula taong 2004 hanggang sa taong kasalukuyan sa 4th District ng Laguna.

Ang naturang SIT ay pinamunuan ni PCOL RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO, na siyang mamamahala at mangunguna upang lutasin ang mga patayan at pagkawala ng ilang personalidad na naganap sa 4th District ng Laguna.

Kasama sa SIT ang Command Group ng Laguna PNP na siyang mamamahala sa mga hakbangin at pangkalahatang layunin; Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) Laguna Field Office, na tutulong sa pag-iimbestiga sa mga krimen; Regional Intelligence Unit (RIU-4A), na katuwang sa pag-iimbestiga at sa pagtukoy sa mga posibleng suspek; Laguna Provincial Forensic Unit (PFU), para sa pagproseso ng mga cross-matching ng mga baril na maaring nagamit at sangkot sa mga nagdaang krimen; Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU-4A), na siyang tutulong upang magbigay ng teknikal na suporta sa pagsisiyasat; Provincial Highway Patrol Team (PHPT-Laguna), na nakatuon para matukoy ang lahat ng mga sasakyan na maaaring ginamit sa krimen; Provincial Legal Unit (PLU), na magbibigay ng legal na tulong sa mga tauhan ng PNP; at kasama din sa SIT ang mga Hepe ng Sta Maria, Siniloan, Famy at Mabitac MPS upang sumuporta sa binuong Special Investigation Team.

Mayroon ng naitalang 16 na Shooting Incidents at Missing Persons sa 4th District ng Laguna, habang 18 katao ang naitalang biktima. Kabilang sa mga biktima ay ang tatlong (3) Elected Government Officials, labing-isa (11) na Private Individuals, tatlong (3) Gambling Personalities at isang (1) Retired PNP Member mula taong 2004 hanggang sa kasalukuyan.

“Ang pagbuo ng SIT na siyang tututok sa mga insidenteng naganap sa 4th District ng Laguna ay magpabilis sa pagbigay ng hustisya sa pamilya ng 18 na biktima sa insidenteng kanilang sinapit. Hinihingi ko naman ang suporta ng ating mga mamamayan lalo’t higit sa nasasakupan ng 4th District ng Lalawigan ng Laguna, na makipagtulungan at magbigay ng karagdagang impormasyon sa ating mga kapulisan na maaring makatulong sa agarang pagkalutas ng mga nagdaang insidente. At sa pamilya po ng 18 na mga naging biktima, wag po kayong mawalan ng pag-asa, ang kapulisan po ng Laguna ay hindi titigil upang matukoy at masampahan ng mga kaukulang kaso ang mga taong may kinalaman sa kanilang pagkamatay at pagkawala ng ilan. Huwag po kayong matakot sa mga taong sangkot, dahil hindi po sila titigil sa pagpaslang at pagdukot kung mananatili tikom ang inyong mga bibig at walang tayong gagawing aksyon upang sa batas sila ay managot”, aniya ng Acting Provincial Director.



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending