1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang High Value Individual (HVI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng Calamba PNP kahapon Abril 14, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Dominique at Raquel kapwa residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang mga operatiba ng buy-bust operation sa ganap na 1:36 ng hapon ng Abril 14, 2023 sa Purok 2 Sitio Magalang, Brgy. Real, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na (4) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang na 53 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 360,400.00, dalawang pirasong coin purse na naglalaman ng Php 3,000.00, narekober naman sa mga suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending