1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Kumpiskado Ang 1M halaga Ng shabu at Arestado ang anim (6) na suspek kabilang ang tatlong (3) High Value Individual (HVI) sa kinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng San Pedro PNP noong Abril 15, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Jairoden, Jaimela, Sahar, Reynalae, Jamaludin at Taming.

Sa ulat ni PLTCOL ROLLY B LIEGEN, Hepe ng San Pedro CPS nagkasa ang mga operatiba Ng San Pedro MPS ng buy-bust operation noong Abril 15, 2023 sa ganap na 11:42 ng tanghali sa No. 8 Oliver Compound, Brgy. Landayan, San Pedro City, Laguna na nauwi sa pagkakaaresto sa anim na suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 na plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 150 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 1,035,000.00, isang kulay gray na belt bag at coin purse na naglalaman ng Php 2,000.00, narekober naman sa mga suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Hindi po titigil ang Laguna PNP sa mga operasyon kontra ilegal na droga kaya binabalaan ko ang mga taong sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga dito sa Laguna, itigil nyo na dahil tinitiyak ko sa inyo na mananagot kayo sa kamay ng batas kung hindi nyo ito ititigil.” #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending