1–2 minutes

Naaresto ng mga awtoridad ang isang most wanted sa kasong murder sa Calaca, Batangas. Ayon sa ulat ni Batangas PPO, Provincial Director, PCOL PEDRO D SOLIBA, kay PRO CALABARZON, Regional Director, PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, arestado ng Calaca MPS ang akusado na kinilalang si Zeus John Jolongbayan y Vidal, 26 taong gulang, helper, at residente ng Barangay Cahil, Calaca City, Batangas.

Nahuli ang akusado sa ikinasang follow up operation ng Calaca PNP ng 11:42 ng umaga ng Abril 15, 2023 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 10 Balayan, Batangas para sa kasong Attempted Murder at walang kaukulang piyansa.

Batay sa imbestigasyon, bandang 1:50 ng hapon ng Nobyembre 9, 2016, ang biktima na si Juan Digno y Vidal ay nagpunta sa bahay ng kanyang karelasyon nang bigla siyang pagbabarilin ng akusado. Pagkatapos matumba ng biktima ay tinaga pa ito ng akusado sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang isang bolo. Personal grudge ang lumalabas na motibo sa tangkang pagpatay matapos mapagalitan at mapagbintangan ang akusado na may kinalaman sa nawalang pera ng biktima noong Nobyembre 8, 2016.

Kasalukuyang nakakulong sa Calaca MPS ang akusado.

“Patuloy po nating hinihimok ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon patungkol sa mga taong may warrants of arrest upang mapabilis ang paglutas ng kaso. Ang kapulisan ng Batangas ay hindi po tumitigil sa mga pagfollow up ng mga kaso upang mabigyang hustisya ang mga biktima.” – PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending