1–2 minutes

Naaresto ang isang personalidad ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng Antipolo CDET sa kahabaan ng Daisy St., Purok 2, Zone 8, Villa Corazon, Brgy Cupang, Antipolo City dakong 9:37 ng gabi Abril 17 taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat, ang Antipolo PNP sa pangunguna ng hepe nito na si PLTCOL JUNE PAOLO O ABRAZADO ay matagumpay na naisagawa ang operasyon na may koordinasyon sa PDEA 4A at nagresulta sa pagkakaaresto ni Julius Joy Molina y Nario @ JAY-JAY, 24- taong gulang at nakatira sa Antipolo, Rizal (HVI/ARRESTED).

Gayundin, sa nasabing operasyon ay narekober at nakumpiska mula sa suspek ang labing-isa na piraso (11 pcs.) ng heat sealed transparent plastic sachet (HSTPS) na naglalaman ng white crystalline substance ng hinihinalang SHABU na may timbang na humigit kumulang limampung (50) gramo na tinatayang nagkakahalaga ng PHP 340,000,00., isang (1) pouch na kulay green at isang buy bust money na nagkakahalaga na PHP 1,000.00.
Ang mga narekober na ebidensya ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa lugar ng pinangyarihan at nasaksihan ng Barangay official at media sa presensya ng suspek. Gayundin ay dinala ang mga ito sa Rizal PFU para sa wastong disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit ang naarestong suspek sa Antipolo Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyan diin ni PCOL DOMINIC BACCAY na ang kapulisan ng Rizal ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga illegal na droga. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.
###
“Life is Beautiful. Kaligtasan Nyo Sagot Ko…Tulong-tulong Tayo”

#lifeisbeautiful
#MKKequalsK
#PNPKakampiNyo
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#teameffortkalingangrizalpnp



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending