1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Street Level Individual (SLI) sa kinasang buy-bust operation ng Santa Cruz MPS kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Ronaldo residente ng Santa Cruz, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ GABRIEL A UNAY, Hepe ng Santa Cruz MPS nagkasa ang mga operatiba ng anti-illegal drugs buy-bust operation ganap na 12:40 ng madaling araw ng Abril 19, 2023 sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang sampung (10) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang na aabot sa 1.58 gramo na may halagang humigit kumulang Php 10,900.00, isang Sling bag at Coin purse, isang unit ng Cellular Phone, isang unit ng Caliber .38, tatlong (3) pirasong bala, narekober din sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic and ballistic examination at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at Republic Act 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga at iba pang mga ilegal na gawain. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani #LifeIsBeautiful #KaligtasanNyoSagotKo #TulongTulongTayo #MKKequalsK #PNPKakampiMo #PNP4A



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending