1–2 minutes

Ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, ang isang linggong Regional Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations ng Laguna PPO simula April 18-23, 2023 laban sa illegal na droga, illegal gambling, kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Ang mga naitalang accomplishments ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna.
Sa Anti-illegal Drugs Operations nagsagawa ang Laguna PNP ng 69 na buy-bust operations at nakapag aresto ng 91 na indibidwal at nakumpiska sa mga naaresto ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 61.22 na gramo at marijuana na may timbang na 342.74 na gramo na may kabuoang halagang aabot sa Php 462,466.80.

Sa Manhunt Operations na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto ng 47 na indibidwal, kabilang na dito ang 19 na Most Wanted Person at 28 na Other Wanted Person, lima (5) sa mga naaresto ay kasama sa Regional Level Most Wanted Person, walo (😎 sa Provincial Level Most Wanted Persons at anim (6) naman ay City/Municipal Level Most Wanted Person.
Sa kampanya naman kontra Illegal Gambling, ang Laguna PNP ay nakapagtala ng 48 operations na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 81 indibidwal, 48 dito ay arestado sa illegal numbers game o bookies habang 33 naman ang naaresto sa iba pang uri ng sugal at umabot naman sa Php 30,384.00 ang nakumpiskang bet money.

Sa Loose Firearm Operation naman na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapagsagawa ng limang (5) operations, na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong (3) indibidwal, at pagkaka-kumpiska ng tatlong (3) loose firearms.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ito ang patunay na ang Laguna PNP ay patuloy sa mga operations sa pagsugpo sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan sa buong lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending