1–2 minutes

Dalawang tinaguriang “most wanted persons” sa panggagahasa ang naaresto ng mga operatiba ng Tanauan City Police Station sa magkahiwalay na operasyon sa probinsya ng Batangas nito lamang ika-2 ng Mayo 2023.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, unang naaresto dakong alas 2:14 ng hapon sa lungsod ng Tanauan si Joven Anillo y De Ocampo, 36 taong gulang, tricycle driver at pansamantalang naninirahan sa San Pablo City, Laguna. Sunod na naaresto si Crisanto Malabanan y Barberan, 36 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, sa Barangay Poblacion 3, Tanauan City, Batangas dakong alas 2:40 ng hapon ding iyon. Sila ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inilabas ng Regional Trial court Branch 6 ng nasabing lungsod.

Matatandaan na ang dalawa ay akusado sa nangyaring insidente nang pangagahasa noong 2008 sa Brgy Balele ng Tanauan, City, Batangas at ang biktima ay kusang loob na nagreklamo sa nasabing istasyon ng pulisya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng naturang police station ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

“Pinupuri natin ang matagumpay na operasyon ng ating kapulisan. Patuloy ang mga isinasagawang anti-criminality at law enforcement operations ng PNP Batangas upang mapanagot ang mga may pananagutan sa batas at mapanatiling ang ligtas, maayos, at payapa ang probinsya ng Batangas”. –PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending