1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 24 na personalidad sa One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PNP sa pangunguna ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PPO kahapon Mayo 2, 2023 ay laban sa ilegal na droga, ilegal na sugal at wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa Anti-Illegal Drugs Operation, nagsagawa ang Laguna PNP ng 10 na operasyon na nag resulta sa pagkaaresto ng 10 na personalidad, nasamsam naman sa mga naaresto suspek ang hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 5.77 gramo ng Shabu at 5 gramo ng Marijuana na may kabuoang halagang tinatayang aabot sa Php 39,836.00.

Sa Anti-illegal Gambling Operation ng Laguna PNP, nakapagtala naman ng isang (1) operasyon laban sa illegal numbers game (bookies) na nag resulta sa pagkaaresto ng isang (1) personalidad nakumpiska sa suspek ang Php 260.00 na bet-money.

Sa operation against Wanted Persons, nagsagawa ng 11 operasyon ang Laguna PNP na nag resulta sa pagka aresto ng tatlong (3) Most Wanted Person Provincial Level na may mga kasong Murder, Frustrated Murder at Acts of Lasciviousness, dalawang (2) Most Wanted Person City/Municipal Level na may mga kaso namang Illegal Possession of Firearm and Ammunitions in Viol. of PD 1866 as amended by RA 8294 at RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at pitong (7) Other Wanted Persons.

Sa kategorya naman ng “Other Incident/Crime” ay arestado ang isang (1) personalidad sa kasong (Theft) pagnanakaw.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Ang Laguna PNP po ay buong pwersa na tatalima sa mga kautusan at direktiba ng bagong talagang Regional Director ng PRO CALABARZON na si PBGEN CARLITO M GACES, sa pamumuno ni PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, Chief PNP at patuloy na magsasagawa ng mga Anti-Criminality Operations upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan.” #gtgmayani
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending