1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa Manhunt Operation ng San Pedro PNP kahapon Mayo 7, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Keno residente ng San Pedro, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL ROLLY B LIEGEN, Hepe ng San Pedro CPS nagkasa ang mga warrant personnel ng Manhunt Operation kahapon Mayo 7, 2023 sa ganap na 6:45 ng gabi sa may Brgy. Poblacion, San Pedro City, Laguna na nag resulta sa pagkaaresto ng akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na sinampa sa kanya noong Pebrero 28, 2023.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Rape na nilagdaan at inisyu ni Hon. Nida C. Tabuldan-Gravino, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 169, San Pedro City, Laguna na walang nirerekomendang pyansa.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, ay patuloy po ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas sa tulong na din ng ating komunidad sa pagbibigay impormasyon sa ating mga kapulisan. Tinitiyak naman po natin sa mga biktima na sila ay mabibigyang hustisya at pananagutin sa batas ang mga may sala.” #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending