1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 39 personalidad kahapon Mayo 10, 2023 sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ilegal na pagsusugal ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Nagsagawa ang Laguna PNP ng 25 na operasyon laban sa illegal numbers of games (bookies) na nag resulta sa pagka-aresto ng 25 na suspek at nakapagtala naman tatlong (3) operasyon laban naman sa other forms of illegal gambling kagaya ng Bingo at Tong-its na nag resulta sa pagkaka-aresto ng 14 na personalidad sa kabuoan kumpiskado sa mga arestadong suspek ang halagang Php 34,174.00 na bet-money.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 at PD 1602 “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Ang Laguna PNP po ay buong pwersa na tatalima sa mga direktiba ng Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at ni PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, Chief PNP bilang pagsunod sa ating mga namumuno ay paiigtingin pa ng kapulisan ng Laguna ang mga operasyon laban sa mga ilegal na pagsusugal hindi po natin hahayaan malulong ang ating mga kababayan dito sa Laguna sa mga ilegal na gawaing ito. Dahil ang pagsusugal ay maaring magbigay ng masamang epekto na pagsisimulan ng pagkawasak o pagkasira ng isang pamilya kaya naman po binibigyan namin ng babala ang ating mga kababayan na umiwas na sa mga ganitong gawain upang makaiwas kayo sa pagkakaroon ng kaso o pagkakakulong.” #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending