1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 23 na Street Level Individual (SLI) noong May 12-13, 2023 sa Two Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ang Two Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 23 drug personalities, sa naisagawang 18 operasyon sa buong probinsiya, na samsam naman ng mga awtoridad sa mga arestadong suspek ang humigit-kumulang sa 12.34 gramo ng hinihinalang shabu at 4.25 gramo naman ng marijuana na may kabuoang halagang aabot sa Php 83,152.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang operasyon po ng Laguna PNP kontra ilegal na droga ay patuloy na isinasagawa sa buong Lalawigan ng Laguna. Ipinapaabot ko po ang pasasalamat sa ating mamamayan sa pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan sa pagbibigay ng mga impormasyon upang mahuli ang mga drug personalities na mga ito bilang pagtugon sa direktiba ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR. #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending