1–2 minutes

Walang kawala ang isang nail technician matapos maaresto sa ikinasang operation ng mga pulis ngayong araw Mayo 24, 2023 sa Batangas City.

Sa ulat ni Acting Provincial Director Police Colonel RAINERIO MAGNAYE DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng RA 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) ang suspek ay kinilalang si Jennifer Lopez y Miguel @ Jen, 50 taong gulang, may asawa, at residente ng Taysan, Batangas.

Sa report, pasado alas 12:40 ng umaga nahuli ang suspek sa buy-bust operation ng mga kasapi ng Batangas PPO Drug Enforcement Unit (OPD-DEU), Sto Tomas City Police Station at Batangas CPS. Mabilis na inaresto si Lopez ng mga mga operatiba makaraang iabot nito sa poseur buyer ang biniling droga.

Nakuha sa suspek ang buy-bust money, 99 na piraso ng pekeng 1000-peso bill, cellphone at (2) pirasong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa humigit kumulang sa 50 gramo na may estimated value P340,000.00. Nasa kustodiya na ng Batangas PPO ang nasabing suspek habang inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

“Ang droga ay isang sagabal sa pagiging tahimik ng isang lugar kaya makakaasa po kayo na papaigtingin pa ng Batangas pulis ang pagsasagawa ng mga operasyon kontra illegal na droga para sa isang ligtas at tahimik ng Lalawigan ng Batangas”. – PCOL DE CHAVEZ
###piobatangasppo###
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending