1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang High Value Individual (HVI) sa Ikinasang joint Buy-Bust Operation ng Laguna PNP noong Mayo 24, 2023.
Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Madam, residente ng Sto. Tomas City, Batangas at alyas Erwin, residente naman ng Calamba City Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa ng joint buy-bust operation ang Calamba City Police Intelligence Personnel at Provincial Intelligence Unit (PIU) Laguna PPO noong Mayo 24, 2023 ganap na 3:19 ng hapon sa Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang 30 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na mas kilala sa tawag na Shabu na tumitimbang na humigit kumulang 28 kilograms na may tinatayang halagang aabot sa Php 190,400,000.00, isang (1) unit cherry mobile cellphone, isang (1) color pink body bag at isang (1) color brown body bag.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”, samantalang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Sa mas pinaigting na kampanya ng Laguna PNP laban sa ilegal na droga ay bumabagsak sa kamay ng batas ang mga High Value Individual (HVI) na dumadayo sa ating probinsya upang ikalat ang kanilang mga basura na sumisira sa buhay ng mga mamamayan ng Laguna, ngunit hindi po natin ito papayagan dahil laging nandito po ang Laguna Pulis para pigilan ang mga ilegal na gawain, bilang tugon sa panawagan at direktiba ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR na sugpuin lahat ang kriminalidad sa ating nasasakupan at palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga.” #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending