1–2 minutes

Arestado ang isang indibidwal sa drug buy-bust operation sa Brgy. Bolbok, Batangas City dakong alas 8:03 ng gabi nitong ika-26 ng Mayo 2023 sa ikinasang operasyon ng City ng Batangas City Police Station

Kinilala ni Acting Provincial Director Police Colonel RAINERIO M DE CHAVEZ ang drug suspek at pusher na si alyas “Tome”, isang tricycle driver at residente ng Brgy. Bolbok, Batangas City.

Nahuli siya matapos ang pagbebenta nito ng transparent sachet na naglalaman ng shabu. Narekober din sa suspek ang pito pang pakete ng shabu at isang cellphone na naglalaman ng nasa 10.20 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng nasa P70,300.

Naging posible ang pagkakadakip sa suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Ang kapulisan ng Batangas ay walang humpay sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga upang tuluyan na itong mapuksa. Ang suporta at pakikiisa ng mamamayan ay malaking tulong sa amin para mapanatiling ligtas, payapa, at maunlad ang probinsya ng Batangas”. -PCOL DE CHAVEZ
###piobatangasppo###
###TeamPIO



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending