2–3 minutes

Arestado ang anim (6) na drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel RAINERIO M DE CHAVEZ at sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, sa iba’t ibang bayan sa Batangas nitong araw ng Lunes, Mayo 29, 2023.

Sa bayan ng San Pascual, isang 22-anyos na lalaki na si alyas Jun Mark ang naaresto ika-5:02 ng umaga sa Brgy. Bayanan ng naturang bayan kung saan nakumpiska sa kanya ang nasa 0.10 gramo ng iligal na droga na may tinatayang halaga na P690.00 at isang 500-peso bill na marked money.

Natimbog naman sa bayan ng Taysan ang isang alyas Allan, 33-anyos, at tulak din ng iligal na droga dakong 12:45 ng tanghali sa Brgy. Mahanadiong ng naturang bayan. Nakuha sa kanya ang nasa 0.4 gramo ng iligal na droga na may tinatayang halaga na P1,600.00 at isang 500-peso bill na marked money.

Isa namang alyas Lawrence, 40-anyos na lalaki ang naaktuhang gumagamit ng iligal na droga dakong alas 2:47 ng hapon sa Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas at nakuha mula rito ang nasa 0.10 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P680.00.

Samantala, huli rin sa Brgy. Malaruhatan, bayan ng Lian Batangas dakong alas 5:48 ng hapon ang isa pang street value individual na si alyas Neil John, 30-anyos, at nakuha mula rito ang nasa .3 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P500.00 at isang 500-peso bill na marked money.

Dakong alas 7:35 ng gabi ay arestado rin si alyas Jharren, 21-anyos, sa Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas, at nakuha mula sa kanya ang nasa 0.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P1,500.00, isang 500-peso bill na marked money, at Oppo cellphone.

Huling nalambat ang isa pang lalaking tulak ng iligal na droga na si alyas Francis sa Brgy. Balakilong, bayan ng Laurel alas 9:10 ng gabi. Narekober sa kanya ang nasa 2.78 gramo na may tinatayang halaga na P18,900.00, isang 500-peso bill na marked money, Ravox cellphone, at isang itim na Yamaha Aerox.

Naging posible ang pagkakadakip sa suspek sa tulong ng mga impormasyon na nakarating sa mga awtoridad. Sila ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending