1–2 minutes

Sa ulat ni Batangas PPO Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director, umabot sa 143 katao ang nahuli ng kapulisan ng Batangas sa isang linggong Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) mula Mayo 24 hanggang 30, 2023.

Sa illegal number games, nagsagawa ng 68 na operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng 76 katao. Nasamsam mula rito ang P37,548.00 na bet money. Samantala, sa iba pang uri ng sugal ay nakapagsagawa ng 30 na operasyon na nagresulta sa 67 na huling katao.

P64,589.00 ang kabuuang halagang nasabat ng mga awtoridad sa nasabing mga operasyon kontra ilegal na sugal.

“Paki-usap po natin sa lahat na umiwas sa kahit anong uri ng illegal sugal. Pagtuunan na lamang po natin ng pansin ang ibang mas mahahalagang mga bagay tulad ng ating mga pamilya at trabaho.” – PCOL DE CHAVEZ



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending