1–2 minutes

Sa buy-bust operation na ikinasa ng Sariaya MPS nasabat ang mahigit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, hapon ng June 3, 2023.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, ang dalwang suspek ay kinilalang sina ROMMEL REJANO y CATAROJA alyas ROMMEL, 31 y/o at ROSE ANN OABEL y MENDOZA alyas ROSE, 24 y/o, parehas na residente ng Brgy. Dalahican, Lucena. Ayon din sa Provincial Director, ang dalwa ay pawang kabilang sa itinuturing na High Value Individual ng Sariaya, Quezon.

Higit-kumulang 56 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php 1,142,400.00 ang nakumpiska mula sa mga suspek ng maganap ang naturang operasyon sa Brgy. Pili, Sariaya, Quezon

Kabilang sa ibidensyang nakuha sa mga suspek ang labintatlong (13) piraso ng HSTPS na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalwang (2) piraso ng one-thousand-peso bill na ginamit bilang buy-bust money, isang slingbag at isang unit ng cellular phone.

Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sariaya Municipal Police Station.

“Pinupuri ko ang Sariaya MPS sa maigting na pagpapatupad ng kanilang tungkulin, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay magdudulot malaking epekto sa pagbaba ng suplay ng iligal na droga sa buong Sariaya at sa buong probinsya,” ani PCOL Ledon D Monte. ###



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending