1–2 minutes

Ngayong araw ika-7 ng Hunyo, 2023, ang Munisipalidad ng Tiaong ay naitalang ika-40 na Bayang Insurgency Free sa pamamagitan ng Paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Villa Escudero Conference Room, Brgy Lalig, Tiaong, Quezon.

“Ang platapormang deklarasyon upang buohin ang lalawigan ng Quezon bilang isang Stable Internal Peace and Security ay isang pamamaraang Root Cause o Grassroot Approach angkop sa Whole-of-a-Nation-Approach as socio-economic progressive development na sagot sa pagtuldok ng terorismo at banta nito.” Ikanga ni PCOL LEDON D MONTE, Provincial Director. Ito rin ang salamin ng bagong kausaran ng patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.

Parte ng kampanyang ito ang sanib-pwersang NTF-ELCAC- PNP, AFP at LGUs upang diretsahang iugnay ang pagbubuklod ng layon sa kahimayan ng kaisahan ng bawat Pilipino sa pangkapayapaan at kaayusan. Naisulong din naman ito kasama ang ating Provincial NTF-ELCAC sa pangunguna ni Hon Gov Angelina DL Tan upang mailathala ang panibagong historya ng ating probinsya bilang isang Insurgency Free sa darating na selebrasyon na Araw ng Kalayaan 2023.

Gayundin, ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon Mayor Vincent Arjay Mea -MTF-ELCAC Chairman katuwang ang PNP; PLTGEN RHODERICK ARMAMENTO, Commander APC-SL, Regional Director PRO4A PBGEN CARLITO M GACES, RD RIAS 4A PBGEN JOSEPH B BAYAN, PCOL LEDON D MONTE Provincial Director, PLTCOL MARLON CABATAÑA, COP Tiaong MPS, at PMAJ RODELIO M CALAWIT FC, 1st QPMFC. Sa katuwang naman sa AFP – BGEN ERWIN A ALEA, CO, 201st BDE PA at LTC ERNESTO R TENEZA JR, PROVINCIAL COMMANDER 59TH IB 2ID PA, kasama ang iba pang mga kinatawan ng ahensiya na nakilahok sa seremonyal na deklarasyon.



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending