3–4 minutes

Muling inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang ‘Envirosafe Tour’ na may layung ipakita ang mga sustainable practices nito, mula sa kalikasan at maging sa turismo.
Kasama ang mga partners na Acienda Designer Outlet at Henry’s Camera, inimbitahan ng toll road company ang ilang media partners nito para sa isang exclusive tour patungo sa operational at soon-to-open section ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX)- ang Silang (Aguinaldo) Interchange o Subsection 4.

Ibinida ng MPT South ang dedikasyon nito sa pagpapaunlad ng teknolohiya at ipinakita sa mga bisita ang mga enegery-efficient equipment sa kahabaan ng CALAX tulad ng paggamit ng solar panels sa mga toll plazas na kayang paandarin ang operasyon nito. Ang mga ilaw rin sa kahabaan ng expressway ay mga LED fixtures na nakatutulong sa sustainability measures ng kumpanya.

Nakatuon ang toll road company sa carbon offsetting initiatives at patuloy ito sa pagtatayo ng mga green spaces sa kahabaan ng CALAX. Ang mga inisyatibong ito ay may dalawang layunin: balansehin ang mga emisyon ng kumpanya at bawasan ang mga emisyon na mula sa mga sasakyan. Sa pagdaan nito sa CALAX, ipinakita ng toll road company ang iba’t ibang mga lokasyon sa kalsada na ginawang mga green spaces.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ito na bumisita sa construction site ng Subsection 4, na kasalukuyang nasa 80% completion. Kapag nagsimula na itong mag-operate, kokonekta ito sa Aguinaldo Highway, ang tinaguriang ‘busiest highway’ sa Cavite. Mapapabilis nito ang biyahe patungo sa bayan ng Silang at Tagaytay, na magiging mas madali para sa mga turista na maabot ang mga ‘Instagrammable’ destinations sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng Envirosafe Tour, sinusuportahan ng MPT South ang mga lokal na negosyo na matatagpuan sa mga host communities nito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sustainable items mula sa kanila at pag-aalok nito bilang mga token sa mga bisita. Sa bahaging ito, ipinakita ng toll road company ang mga delicacies mula sa Municipal Economic and Investment Promotions Office (MEIPO) ng Silang na gawa ng mga MSMEs ng Bayan, kabilang ang Crispy Mushroom Chips, Kapeng Bigas, at Plant-based fries. Bukod dito, ipinamalas din ang mga handcrafted handbags na gawa sa recycled tarpaulins mula sa Imus City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

“Kinikilala ng MPT South ang kahalagahan ng responsible business practices, at patuloy kaming naka-sentro sa pagpapatupad ng mga inisyatiba na nagbibigay-prioridad sa sustainability, pagmamalasakit sa kapaligiran, at community well-being. Sa pamamagitan ng programang ito, layun naming lumikha ng positibo at pangmatagalang epekto sa mga rehiyong pinagsisilbihan namin, upang matiyak ang mas magandang kinabukasan para sa lahat,” ani Mr. Raul Ignacio, president at general manager ng MPT South.

Noong 2021, ipinahayag ng MPT South ang kanilang plano na gawing “Green Highway” ang CALAX bilang bahagi ng commitment ng MPTC sa pag decarbonize ng carbon footprint ng sektor ng transportasyon sa bansa. Ang inisyatibong ito ay tugma sa mas malawak na mga sustainability efforts ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), na sumasang-ayon sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs). Sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga industriya at imprastraktura upang matiyak ang kanilang pagiging sustainable (SDG 9) at pagtanggap ng mga malikhaing paraan sa pagpapatayo ng mga assets habang pina-prioritize ang climate change (SDG 13), aktibong nag-aambag ang MPTC sa global agenda para sa isang mas sustainable na kinabukasan.

Ang MPTC ang pinakamalaking developer at toll road operator sa bansa. Bukod sa CALAX, hawak din ng MPTC ang concession para sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link Segment, North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending