1–2 minutes

Nabakunahan ang 525 Personnel ng Laguna Police Provincial Office sa pinagkaloob na 1700 Flu Vaccine ng mag-asawang Governor Ramil Hernandez at Congresswomon Ruth Hernandez kahapon Hunyo 13, 2023

Sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ay nag sagawa ng libreng bakuna ng Influenza Vaccine para sa mga kapulisan ng Laguna. Isininagawa ang nasabing pagbabakuna sa MPC Hall, Camp Bgen Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna, naisakatuparan ang pagbabakuna sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, Laguna Police Provincial Office, PNP Health Service Laguna Provincial Health Team, Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Council for the Protection of Children.

Ito ay dinaluhan din ng Ama ng Lalawigan ng Laguna Kagalang-galang Gobernador RAMIL L HERNANDEZ, layunin ng proyektong ito na mabigyan ng dagdag na proteksyon ang mga kapulisan ng Laguna laban sa COVID-19 at iba pang sakit o karamdaman.

Ang nasabing pagbabakuna ay gaganapin sa loob ng dalawang araw na kung saan kahapon Hunyo 13, 2023 ay naganap ang unang araw ng bakunahan at sa Hunyo 16, 2023 araw ng biyernes ay babakunahan naman ang mga personnel na hindi pa nakakatanggap ng nasabing flu vaccine.

Ang nasabing proyekto ay nasakatuparan dahil sa direktiba ng dating Regional Director na si PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, na magkaroon ng flu vaccine ang mga kapulisan sa buong CALABARZON na kung saan ang Laguna PPO ang unang tumalima sa nasabing kautusan para maging ligtas at malusog ang Laguna PNP habang tumutupad sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Ayon sa pahayag ni PCOL RANDY GLENN G SILVIO, ang Laguna PNP ay buong pusong nag papasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna para sa bukas-palad na pag sponsor ng libreng influenza vaccine para sa ating mga Non at Uniformed personnel. Ang nasabing Flu vaccine ay malaking tulong para sa mga kapulisan para maka iwas sa ano man sakit lalo na ang lagnat, sipon at ubo na madalas nagiging sakit ng mga kapulisan dala ng pabago-bagong klima. #gtgacana #SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending