1–2 minutes

Nadakip ang Rank no. 5 Most Wanted Person Provincial Level sa kinasang Manhunt Charlie ng San Pablo Pulis Kahapon Hunyo 13, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Romnick residente ng San Pablo City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL JOEWIE B LUCAS, hepe ng San Pablo City Police Station, nagkasa sila ng manhunt Charlie kahapon Hunyo 13, 2023 ganap na 4:50 ng hapon sa Brgy. IV-C, San Pablo City, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ng akusado.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan at inisyu ni Hon. Myla Villavicencio Olan, Presiding Judge of Family Court, Br 7, San Pablo City, Laguna. Nahaharap ang akusado sa kasong 2 counts ng RA 7610 o tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may nirekomendang piyansa halagang Php 200,000.00 kada kaso.

Samantala ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS agad namang iimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagka-aresto ng akusado.

Ayon sa Pahayag ni PCOL SILVIO, “Isa sa mga prayoridad ko bilang Ama ng Laguna PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa mga nagtatago sa batas at patuloy na supilin upang mabilis na madakip ang mga may sala sa batas gusto ko maibigay agad sa mga biktima ang hustisyang para sa kanila at panagutin ang mga akusadong ito sa ating batas na umiiral. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending