1–2 minutes

Nakumpiska ang tinatayang higit 200 libong halaga ng shabu sa kahabaan ng High-way 2000 Brgy. Sta. Ana, Taytay Rizal dakong 7:05 ng umaga June 14 taong kasalukuyan.

Iniulat ni PCOL DOMINIC LABBAO BACCAY, Provincial Director Rizal PPO kay Regional Director PRO 4A CALABARZON PBGEN CARLITO MALAPIT GACES ang pagkakadakip sa isang high valued individual (HVI).

Ayon sa ulat, nag-ugat sa isang impormasyon ng isang di nagpakilalang impormante ang tungkol sa talamak na pagbebenta ng ilegal na droga sa lugar at sa isang alyas “PIPOY” na tinuturong pasimuno sa ilegal na gawain. Agad naman nagkasa ang Provincial Intelligence Unit ng buy-bust operation na may koordinasyon sa PDEA 4A kung saan ay matagumpay na naaresto si John Philip Alcantara y Conquilla Alyas “PIPOY”, 26-taong gulang at nakatira sa Baras, Rizal.

Gayundin ay nakumpiska mula sa suspek ang siyam (9) na pakete na may lamang hinihinalang SHABU na may kabuuang bigat na humigit kumulang 35 gramo na nagkakahalaga ng mahigit 200 libong piso (PHP 238,000.00), isang (1) piraso ng cellular phone android, isang (1) pouch at isang (1) yunit ng MC, Yamaha Mio na may plate number: 7893 QZ. Ito ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa mismong lugar ng operasyon at presensya ng supek na agad rin namang ipinaalam ang lahat ng karapatan. Dinala ang mga ito sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Taytay Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PCOL DOMINIC L BACCAY, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya.



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending