1–2 minutes

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiska sa kanya ang iba’t ibang uri ng baril sa bayan ng Guinayangan, Quezon noong gabi ng Hunyo 16, 2023.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, ang Provincial Director ng Quezon PPO, bilang bahagi ng mas pinag-ibayong kampanya ng Quezon PNP laban sa loose firearms ay ipinatupad ng mga operatiba ng Guinayangan MPS ang isang Search Warrant na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si Felicito Lista Valdoria.

Dagdag pa ni PCOL Monte, sa pagpapatupad nang nasabing Search Warrant sa tahanan ng suspek sa Brgy. Himbubulo Weste ay nakumpiska ng mga operatiba ang mga sumusunod na uri ng baril:
1. isang (1) caliber .22 revolver;
2. isang (1) caliber .22 pistol;
3. isang (1) improvise na caliber .22; at
4. isang (1) caliber 20 rifle.

Nakumpiska rin ang iba’t ibang uri ng bala sa tahanan ng suspek.
Samantala, inihahanda na ang mga kinakailangan dokumento para maisalin sa kustodiya ng Quezon Provincial Forensic Unit ang nasabing mga baril para sa kaukulang ballistic examination.

Ang suspek naman ay nasa kustodiya ng Guinayangan MPS habang inaayos ang mga dokumento para sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na isasampa sa kanya.

Dahil sa ilang matatagumpay na operasyon laban sa loose firearms ay ipinaabot naman ni PCOL Monte ang kanyang pasasalamat sa mga operatiba ng Quezon PPO kasabay ang paalala na maslalo pang paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.

β€œAng ating mga accomplishments ay tanda lamang ng ating pagnanais na mas lalo pang mapabuti ang peace and order situation sa ating minamahal na lalawigan ng Quezon, kaya naman mas lalo pa natin paiigtingin ang ating kampanya hindi lamang sa loose firearms kundi sa lahat ng uri ng kriminalidad,” sabi ni PCOL Monte.
(Quezon PNP-PIO)



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending