1–2 minutes

Nadakip ng Calamba PNP ang isang lalaki na nag pakilalang Pulis habang sila ay nag sasagawa ng checkpoint kahapon Hunyo 18, 2023

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Arnold residente ng Balut, Tondo, Manila.
Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba CPS sa pangunguna ni PCPT Solano ay nag sasagawa ng Checkpoint ng masabat nila si alyas Arnold agad itong hiningian ng lisensya subalit nag pakilala siya bilang pulis.

Samantala, habang sinusuri ng mga kapulisan ang ipinakitang mga dokumento ng nasabing suspek ay kahina-hinala ang pagkakakilanlan nito at napag alaman na dating pulis ang suspect subalit natanggal sa serbisyo noong 2018. Dahil dito agad na hinuli ang suspect subalit matapos basahan ng kaniyang karapatan ang suspect at sumailalim sa preventive search ay nakuha sa kanyang pangangalaga ang dalawang Baril isang Taurus Cal. 45 pistol, isang Norinco Cal. 45 nasamsam din sa suspek ang mga magazine, bala, dalawang cellphone, isang flashlight, isang green bag, isang black holster, pitong PNP ID, isang drivers license, isang National ID, isang PSPG ID, isang Imex ID isang SSS ID, dalawang vaccination card, assorted key at Php. 5,840.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Usurpation of Authority at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” samantala ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang Laguna PNP ay patuloy na ipapatupad ang direktiba ng butihing Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR na paigtingin ang mga checkpoint operation upang agarang mapigilan ang mga taong gustong gumawa o nagbabalak ng krimen ito ay paraan din ng PNP upang mahuli ang iba pang mga lumalabag sa batas. #gtgacana

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending