2–3 minutes

Arestado ang limang suspek sa pagnanakaw ng isang sasakyan sa isinagawang joint hot pursuit operation ng Laguna PNP noong Hunyo 18, 2023

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang limang suspek na pawang mga menor de edad (apat na 15 anyos at isang 17 anyos) at mga residente ng Biñan City Laguna

Sa ulat ni PLTCOL VIRGILIO M JOPIA, hepe ng Biñan City Police Station Hunyo 17, 2023 nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima upang ireport ang pagkawala ng kaniyang sasakyan.

Na unang tinangay ng mga suspect ang bag ng biktima sa nirentang cottage sa isang resort kung saan kasama doon ang susi ng sasakyan kaya madaling natangay ng mga salarin.

Matapos matanggap ang reklamo ay agad naman nagkasa ng hot pursuit operation ang PNP kasama ang RHPU4A Motorcycle Team at Laguna PHPT ganap na 6:30 ng gabi Hunyo 18, 2023 ay naaresto ang mga suspek sa Phoenix Fuel Station, Brgy. Canlalay, City of Biñan, Laguna. Napag alaman na plano ng ibenta ng mga naturang suspek ang sasakyang kanilang ninakaw ngunit ito ay napigilan sa tulong ng isang concerned citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng tip sa mga awtoridad.

Nabawi sa mga suspek na sina alyas Mark (17yo), Cyrus, Thom, Niel at Nathaniel (na kapwa 15yo) ang kanilang tinangay na sasakyan na isang Toyota Altis at isang iphone 12 promax na pagmamay-ari ng biktima. Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng DSWD (Bahay Pag-Asa) na nahaharap sa kasong RA 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang Laguna PNP ay patuloy na ipapatupad ang pag laban sa mga kriminalidad sa buong lalawigan ng Laguna upang maisakatuparan ang direktiba ng butihing Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR na paigtingin pa ang mga operasyon upang masugpo lahat ng uri ng mga kriminalidad. Pinapalalahanan din namin ang mga magulang na laging gabayan ang kanilang mga anak upang hindi masangkot sa mga ganitong insidente o maligaw ng landas dahilan ng kanilang ikaka pahamak at masidlak sa karimlam sa murang edad na dapat ang mga nasabing kabataan ay malayang nangangarap ng kanilang magandang kinabukasan. Nagpapasalamat din po kami sa ating mga kababayan na patuloy na nagtitiwala sa ating mga kapulisan sa pagbibigay ng mga impormasyon gaya nito isang napakalaking bagay kapag ang kapulisan at mamamayan ang nagtutulungan ang magiging bunga nito ay kaayusan, katahimikan at isang ligtas na pamayanan ng lalawigan ng Laguna . #gtgacana #EdjunMariposque

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending