1–2 minutes

Arestado ang tatlong katao Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy-Bust Operation ng Calamba PNP Kahapon Hunyo 28, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Michael at John kapwa residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa ang kanilang Drug Enforcement Unit personnel ng dalawang buy-bust operation kahapon Hunyo 28, 2023. Unang operasyon ay naganap sa ika- 6:01 ng gabi sa Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto nila alyas Michael at John matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Ang ikalawang buy-bust operation ang Calamba City Police Station kung saan ay naaresto si alyas Jericho sa ganap na 7:57 ng gabe sa Purok 2, Sitio Magalang, Brgy. Real, Calamba City, Laguna sa parehong petsa matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang kabuoang siyam na pirasong plastic sachet ng hinihinalaang illegal na droga na may timbang na 12.60 gramo at nagkaka halagang humigit kumulang Php 85.680.00 at narekober din sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Calamba CPS ang arestadong mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” samantala ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, ay mas pinapaigting ang mga operasyon kontra illegal na droga at ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mga mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ang inyong patuloy na pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending