1–2 minutes

Ngayong araw ng Hunyo 30, 2023 sa ganap na 9:00 ng umaga ginanap ang Turn-Over of Office Ceremony para sa Provincial Director ng Laguna PPO at ang panauhing pang dangal ay si PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES.

Nagpasalamat ang outgoing Acting Provincial Director, PCOL RANDY GLENN G SILVIO sa pagsuporta sa kanya ng personnel ng Laguna PPO sa sampung buwan niyang paglilingkod ay di siya iniwan sa lahat ng oras kaya siya ay lubos na nagpapasalamat sa mga kapulisan ng Laguna.

Sa mensaheng ibinigay ng incoming Officer-In-Charge PCOL HAROLD P DEPOSITAR, sinabi nito na pag-iigihin niya ang pamumuno sa Laguna PPO at hindi siya nangangako na hihigitan ang nagawa ni PCOL SILVIO subalit sisikapin niya na pantayan ang mga nagawang accomplishment ng naunang Provincial Director. Humihingi siya ng suporta sa buong kapulisan upang ang kapayapaan at kaayusan sa buong Laguna ay mapanitili.

Sa pangunguna ni PBGEN GACES ay isinagawa ang pag turn-over ng Office Symbol at Property and Equipment Book mula sa outgoing Acting Provincial Director sa incoming Officer-In-Charge.

Sa mensaheng binigay ni PBGEN GACES ay kanyang binigyan diin na kailangang suportahan ang programa ni PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, Chief PNP ang 5 point agenda. Ang hangarin ng kanyang pamunuan ay tumulong sa pagbuo ng dedikadong serbisyo sa Police Regional Office CALABARZON, at sa komunidad. Ang atin pagkakaisa at patutulungan sa pagsisikap ay magiging daan para sa mas ligtas at maliwanag na kinabukasan para sa lahat, aniya nito.

Kabilang din sa mga dumalo sa naturang aktibidad si Hon. Ramil L. Hernandez, Governor ng Laguna, na nagbigay mensahe na ang kanyang pamunuan ay handang suportahan ang Laguna PNP sa anumang proyekto at pangangailangan upang maging mas maayos ang pag lilingkod ng kapulisan dito sa Laguna. Dumalo rin ang ilan sa mga City/Municipal Mayors at lahat ng mga Chief of Police ng City/Municipal Police Station at mga pinuno ng PNP National Support Units. #gtgacana

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending