1–2 minutes

Sa limang Police Provincial Offices (PPO) sa Police Regional Office – 4A (PRO 4A), ang Quezon Police Provincial Office (PPO) ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa Unit Performance Evalutaion Rating (UPER) para sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa ratings na inilabas ng Regional Headquarters ng Police Regional office 4a (PRO 4A), ang Quezon PPO ay nakatanggap ng 95.39 Total Percentage Rating, ito ang pinakamataas na rating sa rehiyon para sa buwan ng Hunyo.

Sumunod naman ang Laguna PPO na mayroong 93.95 at Batangas PPO na nakakuha ng 93.38.

Ang UPER ay isang Evaluation Tool na ginagamit upang masukat ang pagganap ng isang yunit ng PNP sa kanyang mga mandato o tungkulin.

Pinasalamatan naman ni PCOL Monte ang buong hanay ng Quezon PNP dahil sa kanilang kontribusyon at pagsisikap upang makakuha ang Quezon PPO ng mataas na marka sa UPER.

Nagbigay paalala rin ang Provincial Director sa kanyang mga kasama sa Quezon PPO na mas lalo pa silang magsikap upang maipadama sa mga taga-Quezon ang mga ginagawa ng mga kapulisan upang mapabuti ang peace and order sa lalawigan.

“Hindi ibig sabihin nito ay magiging kampante tayo… Nawa’y maging inspirasyon pa natin ito na mas pagsikapang paglingkuran ang ating mga kababayan at ipadama sa kanila ang mga ginagawa ng kapulisan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan”, ayon kay PCOL Monte.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending