1–2 minutes

Walang kawala ang isang mekanikong drug suspect matapos masamsam sa kanya ang ilegal na drogang nagkakahalagang PHP 204,000 at mahuli sa isang inilatag na drug operation sa Purok Baybayin uno, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon, gabi ng ika-4 ng Hulyo, 2023 ng Quezon Pulis.

Ikinasa ang buy-bust operation batay sa malawakang direktiba ni PCOL Ledon D Monte kontra ilegal na droga, kung saan naaresto ang suspek na si Danilo De Chavez Villaester @Kalabaw, 51 taong gulang at residente ng Purok Atis Brgy Mayao Crossing Lucena City na kinilalang Newly Identified Drug Personality (NIDP) hango sa mga balidong impormasyong nakalap.

Batay sa ulat ng operasyon, nadakip si Kalabaw habang ito ay nagbebenta ng pinagbabawal na gamot sa operatiba na pinangunahan ng PDEU 4A Quezon na nagresulta din naman sa pagkasamsam sa mga sumusunod na ebidensya:
– (5) piraso ng heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga na aabot sa MOL 10 grams na may katumbas na DDB value Php 68, 000.00 at street value of Php 204,000. 00.
– (1) piraso ng coin pursed color army black at (4) na thousand bills na ginamit bilang boodle money
– (1) unit motorcycle RACAL color black at (1) keypad cellphone

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ang suspek habang inihahanda ang mga kinakailangan dokumento kaangkop ang pagsailalim sa pisikal at medikal na eksaminasyo para sa pagsampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act.

Sinigurado naman ni PD Monte na ang pagbabantay sa pamayanan ay aking tuloy-tuloy na nakadirektiba sa ating mga kasamahang kapulisan sa buong pamayanan, kaya naman, makakaasa kayong aming pananatilihing ligtas at payapa ang ating pamayanan sa anumang uri ng kriminalidad lalo na sa lason na dulot ng ilegal na droga.



#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending