1–2 minutes

Iniulat ng Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (PPO) na si PCOL Ledon D Monte ang pagkakaaresto ng labing-apat (14) na mga drug personalities bilang resulta ng isang linggong pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay PCOL Monte, ang nasabing mga operasyon ay ikinasa simula Hunyo 25- Hulyo 1, 2023 na kung saan ay sampung (10) anti-illegal drug operations ang ginawa ng mga operatiba ng Quezon PNP.

Ayon naman sa datus mula sa Provincial Operations Management Unit (POMU) ng Quezon PPO, aabot sa 15.80 gramo ang kabuuang bigat ng shabu at 8.78 na gramo ng marijuana ang nasamsam sa mga operasyong isinagawa. Ito ay mayroon katumbas na halaga o Street Value na ₱ 325,480.80.

Ayon naman kay PCOL Monte, ang Quezon PPO ay hindi titigil sa pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pinalakas na intelligence gathering at monitoring.

“Bukod sa mga buy-bust operations, and’yan din ang ating mga demand reduction strategies upang ipabatid sa ating mga kababayan ang masasamang epekto ng iligal na droga,” ikani PCOL Monte.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending