1–2 minutes

Mahaharap ngayong sa reklamong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang isang high-value drug personality matapos masamsam sa kanya ang higit sa tatlong (3) milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon, hapon ng Hulyo 7, 2023.

Kinilala ng Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL Ledon D Monte ang naarestong suspek na si Samuel Marino alyas Sam, 23 taong gulang, at residente ng Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon.

Ayon sa ulat ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Quezon PPO, si Marino ay naaresto matapos siyang magbenta ng iligal na droga sa operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang labing-limang (15) sachet at isang (1) knot tied plastic bag ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 180 gramo at mayroong Street Value na Php 3,672,000.00.

Ayon kay PCOL Monte, matagal ng minamanmanan ng kanilang operatiba si Marino dahil sa kanyang mga drug activities.

Dagdag pa ni PCOL Monte, sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa nasabing halaga ng mga droga ay maraming kababayan tayo sa Quezon ang maililigtas sa posibleng pagkalulong sa iligal na drogra.

“Ito ang isa sa pinagtutuunan natin ng pansin, yung mga malalaking drug personality para hindi na sila makapambiktima pa ng mga kababayan natin,” ani PCOL Monte.

“Kasabay rin nito yung mga awareness campaign natin para ipaalam sa ating mga kababayan yung masamang epekto ng iligal na droga,” dagdag pa ni PCOL Monte.

Sa kasalukuyan, ang naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Pagbilao MPS habang inaayos ang mga dokumento para sa reklamong kahaharapin niya.

Source: Quezon PNP-PIO

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending