1–2 minutes

Sa pag-aatas ni PCOL Ledon D Monte, ang Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, matagumpay na nagsagawa ang mga kapulisan ng Quezon PPO ang PNP Community Outreach Program sa Covered Court, Barangay Poblacion at iba pang barangay sa San Andres, Quezon nitong Hulyo 10, 2023.

Ang nasabing programa ay parte ng pagdaraos ng ika-28 Police Community Relations Month Celebration na kung saan ang mga kapulisan sa pamamagitan ni PMAJ ELIZABETH N CAPISTRANO, Acting Chief PCADU at PMAJ ARNOLD C CONCISO, Chief of Police, San Andres PNP ay nagsagawa ng Outreach Program sa mga Senior Citizens at Person with Disability.

Nagbahagi rin ang mga kapulisan ng kaalaman patungkol sa ilang probisyon ng RA 8353 o ang Anti-rape Law, mga hakbang para makaiwas sa iligal na droga, at pagbabatid ng programang pampamahalaan sa ilalim ng NTF-ELCAC kontra banta ng insurhensiya.

Naging highlights naman ang pagbibigay ng mga tsinelas, food packs, at multivitamins para sa limampung (50) Senior Citizens na aktibong nakilahok sa nasabing programa.

Sa pagtatapos ng nasabing aktibidad ay personal pinuntahan ang bahay ng piling mga Senior Citizen na kabilang din sa PWD ang kanilang mga tahanan upang ihatid ang wheel chair at food packs upang maipadama sa kanila na sa kabila ng pagsubok na kinakaharap kaagapay at katuwang nila ang ating kapulisan.

Gayundin naman, ipinaabot naman ni PCOL Ledon D Monte ang kanyang pasasalamat sa mga community Stakeholders, Senior Citizen Association, San Andres PNP, at Municipal LGU ng San Andres dahil sa walang humpay na suporta at pakikipagtulungan para matagumpay na maisakatuparan ang nasabing gawain.

Source: Quezon PNP-PIO

#SerbisyongNagkakaisa .
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending