1–2 minutes

Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa Manhunt Operation ng Calamba PNP kahapon Hulyo 10, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Alyas Ireneo residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng Manhunt Operation kahapon sa ganap na 9:00 ng gabi Hulyo 10, 2023 sa Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkakadakip ng akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 3 counts na Frustrated at Attempted Murder.

Ang nasabing Warrant of Arrest ay nilagdaan at inisyu ni HON. FREDDIE D. BALONZO, Judge of Regional Trial Court, Fifth Judicial Region Branch 63 Calabanga, Camarines Sur.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong akusado, samantalang iimpormahan naman agad ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkaaresto nito.

Ayon sa Pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Patuloy na paiigtingin ang kampanya sa Manhunt Charlie ng mga kapulisan ng Laguna PNP, upang mahuli ang mga akusado na nag tatago sa batas kahit nasaan man dako sila ng Pilipinas o ibang bansa man upang makamit ang hustiya ng mga naging biktima nila. Sisiguraduhin ng Laguna PNP ang kaligtasan, siguridad, at katahimikan sa buong lalawigan ng Laguna. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending