1–2 minutes

Arestado ang isang indibidwal na Most Wanted Person ng Rehiyon sa bisa ng Warrant of Arrest. Ayon sa imbestigasyon, isinagawa ang operasyon bandang 3:00 ng hapon Hulyo 10 taong kasalukuyan ng Cainta MPS Warrant personnel ay matagumpay na naaresto ang akusado sa Brgy San Andres, Cainta Rizal.

Iniulat ni PCOL DOMINIC LABBAO BACCAY, Provincial Director Rizal PPO kay Regional Director PRO 4A PBGEN CARLITO MALAPIT GACES ang naaresto na si MARK JASON LLANES y SAYAT @ MAC SAYAT LLANES, 24-taong gulang at nakatira sa Cainta, Rizal. Ang akusado ay nahaharap sa kasong 4 Counts of Rape na walang nirerekomendang piyansa.

Ang naarestong akusado ay pinaalalahanan ang lahat ng kanyang karapatan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Cainta Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Pinuri ng butihing director ang kapulisan sa matagumpay na operasyon. Aniya, na ang pagkakaresto sa suspek ay bunga ng magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan. Hinihikayat ang mamamayan na huwag mag atubiling magsumbong sa awtoridad kapag may impormasyon sa mga taong pinaghahanap ng batas.



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending