1–2 minutes

Malugod na iniulat ni Batangas PPO, Provincial Director, PCOL SAMSON BELGICA BELMONTE kay PRO CALABARZON, Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, ang pagkakasabat ng tinayang nasa 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱510,000.00 sa ikinasang Buy Bust operasyon ng mga operatiba ng Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit kasama ang Batangas CPS bandang 12:30 ng madaling araw ng July 14, 2023 sa Barangay Libjo, Batangas City laban sa tatlong suspek.

Ang mga suspek ay kinilala bilang sina John Paulo Reyes, Eligio Mauhay na parehas High Valued Individual at isang Street Level Individual na si. Royland Manalo. Ang tatlong suspek ay pawang mga tubo at residente ng San Pascual, Batangas.

Hinuli ang mga suspek matapos silang maaktuhan sa pagbebenta ng isang malaking pakete ng hinihinalang shabu matapos tanggapin ang marked money na nagkakahalagang ₱100,000.00 sa isang poseur buyer. Narekober din mula sa mga suspek ang 3 cellphone, 300 pesos na cash, at 1 white Honda Civic.

Ang mga naaresto ay sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Patuloy lang po ang ating kampaya laban sa ilegal na droga. Anumang impormasyon na meron po kayo ay agad lamang ipagbigay alam sa awtoridad at sama-sama nating sugpuin ang salot na droga.”. –PCOL BELMONTE
#piobatangasppo
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending