1–2 minutes

Isang lalaki ang arestado matapos mahulihan ng baril sa isinagawang Search Warrant ng mga tauhan ng Padre Garcia Municipal Police Station bandang 5:30 AM ng Hulyo 19, 2023.

Ayon sa ulat ni Batangas PPO Provincial Director, PCOL SAMSON B BELMONTE kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, kinilala ang suspek bilang si Arvin Uri y Manigbas, 41years old, single, walang trabaho at residente ng Brgy Payapa, Padre Garcia, Batangas.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang kalibre 45 na baril kasama ang mga magazine at bala. Isinagawa ang operasyon base sa inilabas na Search Warrant ng RTC Branch 87 Rosario, Batangas nitong July 17, 2023.

Kasalukuyang nasa Padre Garcia Custodial Facility ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagmamay-ari at pagdadala ng baril at na walang kaukulang lisensya. Sa lahat po ng gun owners, siguruhin po lamang na may kaukulang License to Own and Possess Firearms ang inyong armas.” – PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending