1–2 minutes

Arestado ang isang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Drug Buy-Bust Operation ng Calauan PNP Kahapon Hulyo 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Alyas Paul residente ng Bay, Laguna.

Ayon sa ulat PLTCOL PHILIP T AGUILAR, hepe ng Calauan Municipal Police Station nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Team (DET) ng buy-bust operation kahapon sa ganap na 2:46 ng hapon hulyo 19, 2023 sa Brgy. Dayap, Calauan, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ni Alyas Paul matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa supek ang 5 pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 3 gramo na nagkakahalag ng Php 20,700.00, isang unit ng Kalibre 45. Isang compressor, dalawang magazine at mga bala, isang unit ng motorsiklo, isang backpack, isang unit ng Cellular phone at Php 420.00, narekober din sa suspek ang ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Calauan MPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” samantala ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic at ballistic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Ang Laguna PNP ay patuloy ang mga operasyon kontra ilegal na droga bilang pagtalima sa direktiba ng mga namumuno Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, na layunin na palakasin at palawakin ang mga operasyon laban sa mga ipinagbabawal na gamot na siyang sumisira sa ating mga mamamayan lalong higit sa ating mga kabataan na pangunahing biktima ng mga ilegal na droga.” #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending